Mga Post

Ang Pagpili ng Kurso

Ang Pagpili ng Kurso

Ang Pagpili ng kurso Ang Pagpili ng Kurso. Gaano nga ba ito kaimportante? Importante ito dahil dito nakasalalay ang kinabukasan mo. Dapat pagisipang mabuti nakakaistress marami kang naiisip ano ba talaga ang gusto mo? Gusto ng magulang mo? Kakayanin mo ba ito? Ang Pagpili ng kurso sa kolehiyo ay isa sa pinakamahirap na desisyon na gagawin natin sa buhay dahil kailangan natin ito panindigan. Isang mali mo lang masasayang ang pinaghirapan mo at ng magulang mo na nagpapaaral sayo. Sa Pagpili ng kurso alam mo na dapat kung saan ka magaling at ang iyong interes matapos ang ilang taong pag-aaral mo sa elementarya at sekundarya, piliin mo ang naaayon sa iyong talento o ang pangarap mo mahirap man minsan pag may humahadlang dito pinansyal man o ibang tao ang importante maniwala ka sa sarili mo dahil doon ka mas aangat. Nakapili ka na ba ng kurso? Sigurado ka na ba dyan?